Mahigit sa 200,00 libong ektaryang pananim na palay at mais, naisalba matapos ang pananalasa ng bagyong Rolly
Mahigit sa 200,000 ektarya ng palay at mais ang naisalba matapos ang pananalasa ng bagyong Rolly.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), ito ay dahil sa maagang advisory na ginawa ng kagawaran.
Ang palay at mais na naisalba ay mula sa Regions 1,2, 3, 4 at 5 na ang katumbas ay mahigit sa isang milyong metriko tonelada na nagkakahalaga ng mahigit sa 16 na bilyong piso.
Tiniyak naman ng DA na makatatanggap ng ayuda ang mga apektadong magsasaka at mangingisda na kinapapaloban ng 133, 326 bags ng binhing palay, 17, 545 bags ng corn seeds, at 1,980 kilograms ng assorted vegetables mula sa DA-RFOS, drugs at biologics para sa livestock at poultry, nasa sampung milyong piraso ng available tilapia at milkfish fingerlings at fishing gears at paraphernalia ang naipamahagi na sa mga mangingisda.
Naglaan din ng apat na milyong pisong halaga mula sa quick response fund para sa rehabilitasyon ng areas na naapektuhan ng Super Typhoon Rolly.
Survival and Recovery o SURE Loan Program ng Agricultural Credit Policy Councl o ACPC.
Belle Surara