Mahigit sa 400 milyong tao sa buong mundo apektado ng Diabetes ayon sa WHO…Pilipinas ikinukunsiderang isa sa “Diabetes hotspots” sa Western Pcific region
Tinataya ng World Health Organization o WHO na may 422,000,000 milyong tao sa buong mundo ang apektado ng Diabetes.
Isa ang Pilipinas sa mga bansa na may pinakamataas na Diabetes prevalence kung kaya ikinunsidera itong isa sa Diabetes hotspots sa Western Pacific Region.
Sa isinagawang event ng Friendly Alliance and Media Expressions o FAME Incorporated na tinawag na Sweet Escape, muling binigyang diin ang kahalagahan ng pagkontrol o paghadlang sa naturang sakit.
Nilalayon ng aktibidad na lalong itaas ang awarenes o kamalayan sa napakasamang idudulot ng diabetes sa buhay at pamumuhay ng tao.
Ang aktibidad ay nagsagawa rin ng competition na tinawag na hataw na na dito ay binibigyang diin ang kahalagahan ng healthy lifestyle, kasama ang aktibong paggalaw ng katawan.
Dra. Joy Fontanilla, Endocrinologist:
“Para maiwasan nga po un, kailangan po unang una ay kumain ng tama, pangalawa mag ehersisyo. Importante ho na magpapa check up ho tayo…lalo na po kung tayo ay may sintomas ng diabetes, o kaya meron pong may kamag anak na may diabetes, o may mga risk factors for diabetes, halimbawa kung tayo ay may edad na, medyo may katabaan, hindi po nag eehersisyo, o kaya ay may mga gamot para sa high blood o kolesterol, kaya importante po na tayong lahat ay mabuhay nang malusog at maligaya”.
Samantala, ayon naman kay Dr. Augusto Litonjua, Endoctrinologist, ang Diabetes Mellitus ay tinatawag sa english na Epidemic of Modern civilization.
Nakalulungkot daw na sa kabila ng maraming mga gamot para sa diabetes, patuloy pa rin ang pagdami ng mga taong dinadapuan ng nito.
Dr. Augusto Litonjua, President, Philippine Center of Diabetes Education Foundation (PCDEF)
“So instead of concentrating on treatment, probably we should concentrate on prevention, kasi pag naiwasan natin ang pagkakaroon ng diabetes, napakalaking ginhawa po sa bulsa natin at saka sa buhay natin”.
Dagdag pa ni Litonjua, ang salarin daw kung bakit dinadapuan o nagkakaroon ng diabetes ang isang tao ay dahil sa tatlong K na dapat iwasan.
Ito daw ay ang katamaran, katakawan at katabaan.
Ulat ni Belle Surara