Mahigit sa dalawang milyong tao , may kapansanan sa paningin – WHO

 

 

Patuloy na pinapayuhan ng Department of Health o DOH ang publiko na  magpa check -up ng mga mata  upang maiwasan ang anumang kundisyong maaaring maging sanhi ng pagkabulag.

Sa datos ng World Health Organization o WHO,  nasa mahigit na dalawang milyong katao sa buong mundo ang may kapansanan sa paningin.

Dito sa bansa,  mahigit naman sa 500,000 Filipino ang bilaterally blind o bulag ang parehong mata.

Samantala, binigyang diin naman ni Dra. Tommee Lynne Tayengco Tiu,  Opthalmologist,  na may malaking maitutulong  ang paghuhugas ng mga kamay upang maiwasan ang pagkalat ng infection  sa mata na maaring maging sanhi ng pagkabulag.

“Maging conscious po tayo, kung tayo po ay humawak sa ilong,  o sa fluids po sa katawan,  may discharge halimbawa ung mata,  o lalo na kapag nag c.r., importante po that we wash our hands with soap and water para maiwasan po ung spread of infections”.

Dapat ding kahiligan ang pagkain ng prutas at gulay na mayaman sa Vitamin  A , gayundin naman, magkaroon ng relaxation ng mga mata lalo na at madalas  na gumagamit ng electronic gadgets sa pamamagitan ng manaka- nakang pagtingin sa malayo.

 

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *