Mahigit sa isang libong mga sako ng fertilizer, ipinagkaloob ng Dept. of Agriculture Reg. 4a para sa mga magsasaka na naapektuhan ng pagsabog ng taal volcano.


Aabot sa 1,900 sako ng mga fertilizer ang ipinagkaloob ng Dept. of Agriculture Region 4a para sa mga magsasaka sa Silang Cavite na naapektuhan ang kanilang mga pananim matapos masalanta ng pagsabog ng taal volcano nitong enero nang kasalukuyang taon.


Nagpapasalamat naman ng marami ang mga opisyal mula Municipal agriculture office ng Silang Cavite dahil sa patuloy na suporta at tulong na ibinibigay sa kanila ng ahensya.


Ayon kay Silang municipal agriculturist Ms. Adelia V. Poblete, mayroon pang karagdagang isang libo mahigit na fertilizer ang kanilang hinihintay na dumating mula sa D.A region 4a.


Nagpapatuloy naman ang pamamahagi ng mga naturang fertilizer sa mga magsasaka sa Silang Cavite kung saan makukuha nila ito sa tanggapan ng Silang Municipal Agriculture Office.

Ang pagkakaloob ng mga sako ng fertilizer ito ng D.A regional office ng calabarzon ay bahagi ng Quick Response Fund ng ahensya para tulungang makapagsimulang muli ng kanilang kabuhayan ang mga magsasaka sa rehiyon na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pagsabog ng bulkang taal. 

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: