Mahigit sa isang milyong pisong halaga ng livestock-based livelihood support ng Dept. of Agriculture Region 4a nai-turn over na sa isang Kooperatiba sa Cabuyao Laguna.
Naiturn-over na ng Dept. of Agriculture Calabarzon ang livestock-based livelihood support nito na aabot sa mahigit one point eight million pesos sa Casile-Guinting Upland Marketing Cooperative sa Brgy. Casile, Cabuyao City dito sa Laguna.
Pinangunahan ang turn-over ceremony ng livestock livelihood assistance nina Cabuyao City Mayor Romel Gecolea at Vice-Mayor Atty. Leif Opiña.
Kabilang dito ang apatnapung mga baka, 40 bags ng feeds, 8 bottles ng albendazole at isang unit ng forage chopper.
Nasa apatnapu namang mga magsasaka dito sa Cabuyao laguna ang tatanggap ng mga naturang livestock livelihood mula sa Dept. of Agriculture Calabarzon.
Ayon kay Cabuyao City Agriculturist Luzviminda Ednalino, lubos ang pasasalamat nila sa ahensya sa mga tulong pangkabuhayan na ipinagkaloob sa kanila para sa mga magsasakang tuwirang naapektuhan ng pandemiya.
Isa rin aniya ang Brgy. Casile sa kanilang lungsod ang naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad sa lalawigan noong nakaraang taon kung kaya nangangailangan ito ng panibagong mapagkukunan ng ikabubuhay.
Pagakatapos ng turn-over ceremony ay isinagawa naman ang brief orientation sa mga recipients para sa tamang paraan ng pag-aalaga at pagpaparami ng kanilang mga baka.