Mahigit tatlong libo katao inilikas ng France malapit sa hangganan nito sa Espanya dahil sa sunog
Mahigit sa tatlong libong katao ang inilikas ng French authorities mula sa holiday campsites malapit sa Spanish border, matapos sumiklab ang isang sunog.
Ayon sa fire authorities, “The villages of Saint-Andre, Sorede and the town of Argeles are at risk.”
Sinabi naman ng mga lokal na opisyal na ang sunog ay kumalat na sa nasa 500 ektarya sa Pyrenees-Orientales region.
Humigit-kumulang sa 550 mga pamatay-sunog na rin ang idineploy, kasama ng ilang aircraft.
Nagbabala rin ang mga awtoridad na ang bilang ng mga inililikas ay maaaring tumaas pa.
Nasa hangganan ng Spain, ang Pyrenees-Orientales ang pinakamalubhang tinamaan ng matinding tagtuyot kumpara sa alinmang iba pang rehiyon sa Pransya.