Mahigit ₱1B, magagastos ng gobyerno ng Quezon City sa pagpapasara ng Payatas dumpsite
Mahigit isang bilyong piso ang maaaring magastos ng lokal na pamahalaan ng Quezon City kung ipapasara ang Payatas dumpsite dahil mas mapapalayo na ang magiging tapunan ng basura ng Lungsod.
Ang Rodriguez Provincial Sanitary Landfill at ang Vitas Marine Loading Station ang pinagpipilian namaging tapunan ng basura.
Ayon sa pamunuan ng Quezon City mas mapapalaki ang gastos sa gasolina ng mga truck ng basura kung mapapalayo ang ruta at balikan.
Ang hauling cost na ginagastos ng Lungsod ay P780 million pesos lamang sa Payatas.
Dagdag pa rito, kakain ng malaking oras ang bawat pagbalik sa dispatching area ng mga truck para sa ikalawang pagkolekta.
Ulat ni: Lynn Shayne Fetizanan