Mahigpit na reglamento sa pagpapatupad ng libreng pag-aaral sa State Universities and Colleges inilatag ng CHED
Inilatag na ng Commission on Higher Education o CHED ang mahigpit na panuntunan sa pagpapatupad ng batas na magbibigay ng libreng edukasyon sa State Universities and Colleges.
Sa briefing sa Malakanyang sinabi ni CHED Commissioner Prospero de Vera na oobligahin nila ang mga State Universities and Colleges na magpatupad ng mahigpit na admission procedure sa mga estudyateng bibigyan ng government educational subsidy sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
Ayon kay Commissioner de Vera hindi pahihintulutan ang mga estudyanteng lilipat sa State Universities and Colleges mula sa mga pribadong Universiteis and Colleges.
Inihayag ni Commissioner de Vera na mayroon pang pondo na 8 bilyong piso sa 2017 National budget para tustusan ang government subsidy sa mga kuwapikadong estudyante na papasok sa State Universities and Colleges sa ilalim ng Free Tertiary Education Act na kamakailan ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ulat ni: Vic Somintac