Mahigpit na seguridad, ipatutupad sa isasagawang Asean-Austrlia summit

Tiwala ang pamunuan ng Australian police department at Foreign Minister ng Australia na magiging maayos at payapa ang idaraos na Asean-Australia summit.

Dahil dito, naka-heightened alert na ang buong puwersa ng Australian police.

Bukod dito, ipatutupad rin ng New South Wales ang mga road closures at re-blocking sa mga lugar na pagdarausan ng summit at ipatutupad din nila ang mahigpit na seguridad sa Airport para sa kaligtasan ng mga dadalo.

Pangungunahan ni Australian Prime Minister Malcolm Turnbull sa Sabado at Linggo ang summit na inaashang dadaluhan ng mga leaders at kinatawan ng Asean-member states at mga Dialogue partners nito.

Tiniyak din ng Australian government na magiging ligtas ang mga leader ng Asean member state sa buong panahon ng okasyon.

Posible namang talakayin sa Asean-Australia summit ang mga isyu na may kinalaman sa Regional security, Economic at maging ang Counter-terrorism measures.

 

Jet Hilario =======

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *