Mahistrado ng Court of Appeals inireklamo ng Pharmally executive
Ipinagharap ng administrative complaint sa judicial integrity board ng Korte suprema si Court of Appeals Associate Justice Apolinario Bruselas jr.
Kaugnay ito sa mabagal umanong pag – aksyon ng dibisyong pinamumunuan ni Bruselas sa writ of habeas corpus petition na inihain ng Pharmally executives.
Ang reklamo ay inihain ng kampo ni Mohit Dargani ng Pharmally Pharmaceutical kung saan iginiit nito na nilabag umano ni Bruselas, Presiding justice ng CA 5th division, ang new code of judicial conduct for the philippine judiciary dahil sa kawalang aksyon sa nasabing petisyon.
Ang magkapatid na sina Mohit at Twinkle Dargani ay una ng naghain ng petisyon para sa Writ of Habeas corpus sa CA noong Nobyembre ng nakaraang taon dahil sa patuloy na pagkakadetine sa Pasay city jail.
Matatandaang una nang pinatawan ng contempt ng Senado ang dalawa.
Ayon sa kampo ng mga Dargani, inabot ng 5 buwan bago naglabas ng resolusyon ang CA 5th division sa petisyon kung saan nitong Marso ng taong ito, sinabi ng korte na Moot and academic na ang petisyon ni Twinkle dahil nakalaya na ito.
Wala namang binanggit patungkol kay Mohit na nakapiit parin sa Pasay city jail.
Hiniling rin ng kampo ni Mohit na mag- inhibit si Justice Bruselas sa kanyang inihaing motion for inhibition.
Madz Moratillo