Mahiya naman ang taga DA sa Pangulo sa pagdedesisyon – Sen. Cayetano

Mahina umano at kulang ang performance ng mga opisyal ng Department of
Agriculture o DA

Yan ang dahilan kaya nahaharap sa matinding problema ang sektor ng agrikultura tulad ng walang tigil na pag-i-import ng bigas, mahal na presyo ng sibuyas at kamatis

Ayon kay senador Alan Peter Cayetano, dapat kumilos at mag-shape up ang mga taga DA at mahiya naman sa Pangulo na kalihim ng DA

May magagawa naman aniya ang mga opisyal at hindi na kailangang ang Pangulo pa ang magdesisyon.

Iminungkahi ni Cayetano maglagay ng matapang na bastonero para gumalaw ang mga taga DA at hindi ia-asa pa ang trabaho sa Pangulo.

Napapanahon na rin aniya na kumuha ng consultant para mag-aral sa rice sufficiency issues ng bansa o kayay mag-outsource ng may maayos na experience dahil sa kabila ng pag aaral ng IRRI 0 International Rice Research Institute hanggang ngayon hindi pa rin naaabot ng Pilipinas ang target na rice self sufficiency.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *