Mainit at maalinsangang panahon sa Silangang bahagi ng Luzon at Visayas, asahan ngayong Linggo dulot ng Easterlies
Patuloy na makararanas ng mainit at maalinsangang panahon ang malaking bahagi ng bansa dulot ng Easterlies o mainit na hanging nagmumula sa Dagat Pasipiko.
Ayon sa PAGASA, partikular na apektado ng Easterlies ang Silangang bahagi ng Luzon at Visayas.
Samantala, ang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsiblity ay huling namataan sa layong 1,775 Silangan ng Extreme Northern Luzon.
Mababa ang tsansa na mabuo ito bilang bagyo at hindi rin inaasahang papasok ito ng PAR.
Wala namang nakataas na Gale warning kaya magandang panahon rin ito para makapaglayag ang mga kababayan nating mangingisda at may maliliit na sasakyang pandagat.
Gayunman, pinag-iingat ang mga maglalayag sakaling mayroong malalakas na thunderstorms dahil maaari itong magdulot ng maalong karagatan.
Inaasaang papalo sa 24 hanggang 33 degree celsius ang temperatura sa Metro Manila ngayong araw.