Mainit na panahon, asahan sa kabila ng pagsisimula ng Amihan season 

Asahan ang mainit at maalinsangang panahon ngayong biyernes sa malaking bahagi ng bansa sa kabila ng pagsisimula ng Amihan season.

Paliwanag ng PAGASA-DOST, ang Northeast Monsoon o Amihan ay umiiral lamang ngayon sa dulong hilagang luzon kaya hindi pa ramdam sa buong bansa.

Ngayong araw, ang Batanes at Babuyan Islands ay makararanas ng maulap na papawirin na may mahihinang ulan dulot ng amihan habang ang Caraga, Davao Region, at Southern Leyte ay asahan naman ang kalat-kalat na pag-ulan dulot ng Easterlies.

Kasama sa makararanas ng mainit na panahon ang Metro Manila ngunit asahan ang maiksing pag-ulan sa hapon o gabi dulot naman ng localized thunderstorms.

Sa ngayon, sabi ng PAGASA ay wala silang namomonitor na sama ng panahon na maaaring makaapekto sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility sa susunod na mga araw.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *