Maitatalagang Senate president, depende sa iaalok na Committee chairmanship
Nakadepende raw sa mga i-aalok na Committee chairmanship kung sino ang maitatalagang Senate president.
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, na dati ring Senate president, ang Committee chairmanship ang madalas na ginagamit bargaining chips ng mga contenders.
Kabilang na rito ang mga itinuturing na mga pangunahing komite tulad ng Finance, Blue ribbon at ways and means.
Pero kung magkakaroon ng Super majority, maaring ikonsidera rin ang term sharing.
Sa ngayon dalawa na lamang ang mahigpit na naglalaban sa pwesto.
Ito’y sina Senate majority leader Juan Miguel Zubiri at Senador Cynthia Villar na kapwa sumusuporta kay presumptive President Bong bong Marcos
Ayaw pang pag- usapan ni Villar ang isyu pero si Zubiri nauna nang sinabi na mayroon na silang block sa Senado pero kulang pa para maabot ang Majority votes.
Ayon kay Drilon,sa kanya raw karanasan bilang dating Senate president, mas may advantage naman na makakuha ng Chairmanship ang mga incumbent at mga senior members batay na rin sa tradisyon sa Senado.
Sa mga nakapasok sa magic 13, tatlo rito ang baguhang Senador kabilang na sina Senator elect Robin Padilla, Mark Villar at Raffy Tulfo.
Payo sa kanila ni Drilon, patunayan ang mandatong ibinigay ng publiko.
Meanne Corvera