Maitatalagang susunod na Senate president dapat raw kaalyado ng Malacañang
Handa si Senador Lito Lapid na suportahan ang sinumang Senador na itutulak ng susunod na administrasyon para maging Senate president.
Kung si Lapid ang tatanungin, nais niya ay kaalyado ng Malacañang ang maitalaga sa pwesto para matiyak na uusad ang mahahalagang panukalang batas na makakatulong sa pagbangon ng bansa mula sa epekto ng pandemya.
Wala pa raw kumakausap sa kanya kung sino ang maaring maupo sa pwesto kapalit ni Senate president Vicente Sotto na graduating na sa Ssenado.
Pero ilan aniya sa matunog na pangalan na posibleng sumabak sa pwesto ay sina Senador Cynthia Villar, Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri at Sorsogon Governor Francis Escudero na kapwa kumakandidato sa pagka Senado.
Sa ngayon tulad niya ang abala pa raw ng kaniyang mga kapwa Senador sa pangangampanya.
Si Lapid ay nag-ikot sa Muntinlupa para ikampanya ang Partylist group na Pinuno.
Meanne Corvera