Major Rodney Baloyo, bantay sarado sa isang isolated na selda sa Bucor
Nasa isolated na selda at bantay sarado ngayon sa Bureau of Corrections ang inaakusahang Ninja cop na si Major Rodney Baloyo.
Sa larawang ibinigay ng Bucor, si Baloyo ay nakakulong sa 2.5 by 3 meters na selda sa Reception and Diagnostic center.
Sabi ng Bucor mula ng dalhin ito kagabi ng mga tauhan ng Senate Sgt. at Arms hindi pa ito nakapagpalit ng damit at tinanggal lang ang pang itaas na uniporme.
Pero binigyan naman aniya ng hygienic kit at isinailalim sa medical assesment bago ipinasok sa selda.
Ambag-ambag na pagkain mula sa ilang empleyado ng Bucor aniya ang kinain nito kagabi hanggang kaninang umaga dahil hindi pa ito kabilang sa subsistence allowance ng mga bilanggo.
May maayos rin aniyang bentilasyon sa selda ni Baloyo ay nilagyan ng isang electric fan.
Lilimitahan naman sa immediate family member at mga abugado o religious representative ang maaring bumisita kay Baloyo at kailangan pang ipagpaalam kung me mga kaibigan dahil sa kasong kaniyang kinasasamgkutan.
Ayon kay Senador Richard Gordon kung hindi magsasalita si Baloyo, mananatili siya sa NBP hanggang mag sine-die adjournment ang 18th Congress sa June 2022.
Si Baloyo na ang ikalawang resource person na ipinakulong ng Senado sa NBP matapos macontempt dahil sa pagsisinungaling.
Nooong May 15, 1950, ipinakulong ng Senado sa NBP si Jean Arnault dahil sa pagtangging sabihin kung sino ang binayaran ng 440,000 piso sa iniimbestigahang Buenavista and Tambobong deal na tumagal ng limang taon.
Ulat ni Meanne Corvera