Makabayan Bloc, nagpasalamat sa pagdepensa sa kanila ni Speaker Lord Allan Velasco sa isyu ng Red Tagging ng militar
Nagpaabot ng pasasalamat ang Makabayan Bloc sa pagdepensa ni House Speaker Lord Allan Velasco sa kanila sa isyu ng red tagging ng militar.
Ayon kay ACT Teacher Partylist Representative France Castro, ito ang kauna- unahang pagkakataon na may isang House Speaker o lider ng Kamara ang dumepensa sa kanila sa ganitong isyu.
Kaya naman nagpapasalamat aniya sila sa pagbibigay proteksyon nito sa kanilang hanay na inuulan ng red tagging ng security forces ng gobyerno.
Dahil aniya sa ganitong pahayag ni Velasco ay nakaramdaman sila kahit paano ng proteksyon.
Pero sa kabila nito ay nag- iingat din aniya sila para sa kanilang kaligtasan.
Una rito sinabi ni Velasco na nag-aalala siya sa red tagging sa Makabayan Bloc na mga miyembro ng Kamara.
Giit ni Velasco dahil sa mga ganitong pahayag ay nalalagay sa panganib ang buhay ng mga ito na pawang mga halal na opisyal.
Bilang House Speaker ay tungkulin umano nito na protektahan ang kanilang mga miyembro.
Madz Moratillo