Makati Mayor Abby Binay naghain ng urgent motion for clarification sa Supreme Court para sa paglilinaw ng transition ng 10 EMBO barangay na sakop na ngayon ng Taguig City
Dumulog ang Makati City government sa Taguig RTC branch 153 para hilingin na panatilihin sa kanila ang pangangasiwa sa sampung EMBO barangay habang hindi umano klaro ang pagsaklaw sa mga ito ng taguig city.
Naghain ng urgent motion for clarification na may kasamang kahilingan para sa status quo ante order si Makati Mayor Abby Binay, kasama ang mister na si Makati Representative Jose Campos at mga opisyal ng Makati LGU.
Ayon sa Alkalde, nais nilang magkaroon ng paglilinaw ukol sa transition ng pamamahala sa 10 EMBO barangay na idineklara ng Supreme Court na sakop ng Taguig.
May tangka umano aniya ang Taguig na sapilitang ipatupad ang Supreme Court ruling kahit walang writ of execution mula sa trial court at kahit wala pang linaw ang hangganan ng 10 barangay.
Nalilito rin umano ang mga residente sa paglilipat ng hurisdiksyon pati na national agencies sa sapilitan umanong pag-aangkin agad ng Taguig sa mga public school, health center at iba pang nasa EMBO barangay.
Sa pamamagitan ng urgent motion, maiigiit umano ng Makati ang mga karapatan nito bilang may-ari ng properties sa pinag agawang barangay gaya ng Ospital at Paaralan.
Sa hiling na status quo order, ipinaliwanag ni Mayor Binay na katulad ito ng cease and desist order na magpapahinto sa pag-take-over ng Taguig sa 10 EM BO barangay at magbabalik sa sitwasyon ng barangay na bahagi ng Makati, bago lumabas ang Supreme Court ruling.
Diin ni binay hindi ito pagsuway sa Supreme Court ruling kundi pagtiyak lang ng maayos na transition
Meanne Corvera