Makati RTC hindi binawi ang kaso at arrest warrant laban sa isa sa mga akusado kaugnay sa nadiskubreng mega shabu lab sa Virac, Catanduanes
Tuloy ang paglilitis sa kaso ng nadiskubreng mega shabu laboratory sa Virac, Catanduanes.
Ito ay matapos hindi pagbigyan ni Makati RTC Branch 63 Acting Presiding Judge Selma Palacio Alaras ang mosyon ng isa sa mga akusado na si Xian Xian Wang na ibasura ang kaso laban dito.
Ayon sa hukom, walang depekto sa kasong attempt/conspiracy to manufacture dangerous drugs na inihain laban kay Wang.
Hindi rin binawi ng hukom ang ipinalabas na warrant of arrest ni Virac RTC Judge Lelu Contreras laban kay Wang
Ayon sa korte, nakitaan ng probable cause ng judge para magisyu ng arrest warrant laban sa akusado.
Kaugnay nito, iniutos ni Judge Alaras na ituloy ang paglitis sa kaso.
Itinuturing ng mga otoridad na ang shabu lab sa Virac ang pinakamalaking pagawaan ng iligal na droga sa bansa dahil sa pagkakaroon nito ng anim na hydrogenators na nakapagpo-produce ng shabu hanggang 9.6 na tonelada sa loob ng isang buwan.
Ulat ni Moira Encina