Makati RTC, pinagkukomento ang DOJ sa mosyon ni Senador Trillanes na makabiyahe ito abroad
Inatasan ng Makati RTC Branch 150 ang Department of Justice (DOJ) na maghain ng komento sa mosyon ni Senador Antonio Trillanes na payagan siyang makabyahe sa ibang bansa.
Binigyan ni Branch 150 Judge Elmo Alameda ng hanggang November 28 ang DOJ para magsumite ng komento.
Sinabi ng hukom na sa oras na maghain ng komento ang DOJ ay reresolbahin niya ang mosyon ng senador bago o sa December 3, 2018.
Una nang hiniling sa korte ni Trillanes na payagan siya na makabyahe sa ilang bansa sa Europa at sa Estados Unidos para dumalo sa mga aktibidad at pagpupulong ng iba-ibang grupo na nagimbita sa kanya sa mga nasabing bansa.
Ulat ni Moira Encina
Please follow and like us: