Makulimlim na panahon, iiral ngayong araw sa Mindanao at Palawan dahil sa LPA
Patuloy na nakakaapekto sa malaking bahagi ng Mindanao at maging sa Palawan partikular sa Kalayaan islands ang Low Pressure Area (LPA).
Ayon sa Pag-Asa, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 105 kilometers East, Southeast ng General Santos City.
Dahil dito, ayon sa weather bureau makararanas ng mga pag-ulan ngayong araw ang nasabing mga lugar.
Pero sa ngayon mababa ang tsansa na ito ay maging isang bagyo.
Samantala, ang Luzon at Visayas ay makararanas naman ng maaliwalas pero maalinsangang panahon sanhi naman ng Easterlies o mainit na hanging nagmumula sa Dagat Pasipiko.
Dito sa Metro Manila, asahang maglalaro ang temperatura sa 23 hanggang 34 degree celsius ngayong araw.
Wala namang nakataas na Gale warning kaya ligtas na pumalaot ang mga sasakyang pandagat sa mga baybayin bagamat pinag-iingat din kung mayroong localized thunderstorms.