Malabis na paggamit ng gadget, nakapagpapalabo ng mga mata – DOH

                                                photo credit: yourdost.com

 

Pabata na ng pabata ang mga Filipinong nangangailangan ng salamin sa mata.

Ito ay batay sa datos ng Department of Health o DOH.

Ayon sa DOH, isa sa bawat tatlong mga Filipino ang nanlalabo ang mga mata dahil sa malabis na paggamit  ng gadget.

Sa ngayon daw, mas madalas umano na nakababad sa cellphone, tablets, desktops at laptops ang mga bata sa  kaysa sa pagsasagawa ng physical activities.

Payo ng DOH sa mga magulang, huwag gawing babaysitter ang mga gadget sa bahay.

Mas makabubuti anila sa isang bata na magkaroon ng outdoor activites isang oras araw-araw.

Dapat  hikayatin ang mga bata na makipaglaro sa ibang bata kaysa sa paglalaro o panonood ng mga videos sa loob ng bahay gamit ang gadgets.

 

Ulat ni Belle Surara

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *