Malabon City, ikinagalak ang pagkilala sa kanila ng PDEA bilang may pinakamaraming Drug prevention programs sa buong Metro Manila

Ikinagalak ng Malabon City ang pagkilalang ibinigay sa kanila ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA bilang nangungunang lunsod sa Metro Manila sa Drug prevention program at maging sa pagpapatupad ng Peace and Order sa kanilang komunidad.

Sa panayam sinabi ni Ginoong Bong Padua, Public Information officer ng Malabon, ito ay dahil sa inaraw-araw nila ang pagbisita sa mga Barangay kung saan inaalam nila ang kalagayan ng mga sumuko noon kung ito ay hindi na bumabalik sa dating mga iligal na gawain.

Maliban pa ito sa regular na pagsasagawa nila ng mga Drug symposium at seminar, mga pagsasanay sa mga paaralan at barangay ng drug prevention na pinangungunahan ng mga Barangay officials.

Tuluy-tuloy din ang adbokasiya ng lunsod o bawat barangay upang matuon ang atensyon ng mga mamamayan o mga kabataan sa mga pampalakasan o sports, community service at livelihood programs upang maiiwas sila sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Regular din ang isinasagawa nilang random drug test sa lahat ng mga tanggapan ng gobyerno sa lunsod.

At ito ay dahil na rin sa pakikipagkaisa ng mga residente ng Malabon pati na ang mga opisyal ng barangay at mga otoridad sa lunsod.

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *