Malabon City, wala nang tidal problem dahil sa mega flood control project
Malaking tulong ang proyektong Mega flood control project upang mabawasan ang mga pagbaha sa Malabon City.
Ito ang ipinarating ni Congressman Federico “Ricky” Sandoval sa panayam ng programang Usapang Pagbabago ng DZEC Radyo Agila.
Katunayan, ayon sa mambabatas, hindi na sila binaha matapos ang mga nagdaang malalakas na bagyo dahil hinarangan na nila ang mga ilog upang hindi na pumasok ang tubig-baha.
Cong. Ricky Sandoval :
“Dahil maraming lugar, ang problema ng baha ay kapag binabagyo, at hindi nakakalabas ang tubig galing sa mga kalsada. Ang amin po, ang pinaka-problema namin, tidal po ang problema eh. Tama ho kayo, pag tumaas ang tide, bumabaha tapos nawawala rin ulit, kaya nangyari ho nilagyan namin ng pader, hinarangan namin yung Malabon river, pagka high tide sinasara, pagka low tide, binubuksan. Kaya nawala na ho yung tidal problem namin”.
=== end ===