Malacañang at iba pang opisyal ng gobyerno, pinatitigil sa pag-komento sa banggaan sa Recto Bank
Pinatatahimik na ni Senador Richard Gordon ang Malacañang, mga pulitiko at iba pang opisyal ng gobyerno sa pagkokomento sa nangyaring banggaan sa pagitan ng mga mangingisdang Pinoy at Chinese crew sa Recto Bank.
Ayon kay Gordon, dapat ipaubaya na ang usapin o pakikipagnegosasyon sa Department of National Defense (DND) at Department of Foreign Affairs (DFA).
May inihain na rin naman aniyang protesta ang Pilipinas laban sa China at mas mabuting hintayin ang resulta ng isinampang reklamo.
Katwiran ni Gordon, lalo lang gumugulo ang sitwasyon lalo na kung magkakaiba ang posisyon ng gobyerno sa isyu.
Pinayuhan rin nito ang publiko na huwag puwersahin ang Pangulo na magsalita dahil baka ang sasabihin ng Pangulo ay taliwas naman sa resulta ng imbestigasyon ng DND.
Ulat ni Meanne Corvera