Malacanang, dumistansiya sa impeachment vs VP Sara
Walang kinalaman ang Office of the President sa isinampang impeachment compalint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang paglilinaw ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa isang official statement.
Sinabi ni Bersamin na ang impeachment complaint na isinampa sa Kamara ng mga pribadong grupo, ay malinaw na sariling inisyatibo ng mga nagreklamo.
Ang endorsement naman dito ay prerogative ng sinumang miyembro ng Kamara de Representante,
Binigyang-diin ni Bersamin na malinaw ang naunang pahayag ng pangulo at apela nito sa mga mambabatas na huwag isulong ang impeachment laban sa bise presidente, dahil sa pag-aaksaya lang ito ng oras at panahon.