Malacañang, dumistansya sa desisyon ng Court of Appeals laban sa Rappler

Ayaw na makialam ang Malacañang sa naging desisyon ng Court of Appeals o CA laban sa Rappler.

Matatandaang naglabas ng desisyon ang CA na nagpatibay sa revocation o pagpapawalang bisa ng Securities and Exchange Commissiono SEC sa Articles of Incorporation ng Rappler dahil sa isyu ng foreign ownership.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo hinahayaan na lang ng Malacañang ang gumugulong ang proseso sa Korte.

Nanindigan naman muli si Panelo na walang kinalaman ang nangyari sa Rappler sa isyu ng press freedom sa bansa.

Matatandaang sinisisi ng Rappler ang gobyerno sa mga kasong kinaharap nito kabilang ang tax evasion cases at libel case at sinabing ito ay uri ng pangigipit sa kanila dahil sa mga balita nilang kritikal sa administrasyong Duterte.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *