Malacañang hangad gumulong ang hustisya sa SAF44 sa mamasapano incident laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino
Umaasa ang Malakanyang na gugulong ang proseso ng hustisiya sa Mamasapano incident na ikinamatay ng SAF 44 noong 2015.
Ito ang inihayag ng Malakanyang matapos na ipagpaliban ng Sandiganbayan Fourt Division ang arraignment ni dating Pangulong Noynoy Aquino kasama si dating Philippine National Police Special Action Force o PNP/SAF Commander Getulio Napeńas Jr. dahil sa kasong Anti Graft and Corruption at Usurpation of Official Funtions.
Nakasuhan si dating Pangulong Aquino dahil sa paggamit kay nooy suspendidong PNP Chief Allan Purisima sa Oplan Exudos na ikinamatay ng international terrorist na si Zulkifli bin Hir Alyas Marwan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque mahalagang masunod ang judicial process upang mabigyan ng pagkakataon ang panig ng akusado at pamilya ng SAF 44 sa ikapagtatamo ng katarungan.
Nagpasiya ang Sandigangbayan Fourt Divion ipagpaliban ang arraignment ni dating Pangulong Aquino para bigyang daan ang pagdinig sa kanyang inihaing motion to quash noong January 4.
Batay sa rules of proceedings kailangang resolbahin muna ng hukuman ang ano,ang nakabinbing motion at petisyon bago isailalim sa arraignment ang akusado.
Nauna ng sumailalim sa arraignment sa Sandiganbayan ang kapuwa akusado ni dating Pangulong Aquino na si dating PNP Chief Allan Purisima noong Pebrero ng nakalipas na taon.
Ulat ni Vic Somintac