Malacañang hindi panghihimasukan ang hindi pagkakasundo ng Kamara at Senado sa isyu ng chacha
Hindi pakikialaman ng Malakanyang ang gusot na namamagitan ngayon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Senado hinggil sa pagsusulong ng Charter Change o CHACHA.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na bagamat prioridad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabago ng Saligang Batas para mapalitan ang kasalukuyang sistema ng pamahalaan patungong federalismo hindi makikialam ang Malakanyang sa proseso ng CHACHA.
Ayon kay Roque hindi rin iimpluwensiyahan ng Malakanyang ang mga kaalyadong Kongresista ni Pangulong Duterte para lamang maipagtagumpay ang pagsusulong ng federalismo.
Inihayag ni Roque naniniwala siya na hahantong sa Korte Suprema ang isyu ng hindi pagkakasundo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at Senado CHACHA gamit ang prosesong Constituent Assembly o CONASS.
Niliwanag ni Roque na tanging ang mga mababatas ng dalawang kapulungan ng kongreso ang makakalutas ng problema na maaring humantong sa constitutional crisis.
Tumanggi din si Roque na magbigay ng pahayag hinggil sa kagustuhan ni House Spealer Pantaleon Alvarez na isulong ang CHACHA sacpamamagitan ng CONASS kahit hindi sumali ang Senado.
Ulat ni Vic Somintac