Malacañang, hinihingan ng paliwanag ng ilang Senador kung may kinalaman sa Martial Law ang pagpapakalat ng mga sundalo
Hinihingan ng paliwanag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang Malacañang sa inilabas ns Memorandum Order no.32 na nag-uutos na magpakalat ng mas maraming pulis at sundalo sa mga probinsya.
Nais malaman ni Lacson kung ang memorandum ay bahagi ng plano para sa deklarasyon ng Martial Law o Suspension ng Priveledge of Writ of Habeas Corpus.
Nauna nang ipinag -utos ni Pangulong Duterte ang deployment ng mas maraming sundalo at pulis sa tatlong lalawigan sa Visayas at Bicol para maresolba ang mga kaso ng karahasan.
Kuwestyon ni Lacson bakit kailangan pang maglabas ng Memorandum ang Malacañang gayong bilang Commander in Chief maari namang ipag-utos ng Pangulo ang deployment ng mga sundalo para mapigilan ang mga lawless violence o anumang banta ng terorismo.
Ulat ni Meanne Corvera