Malacanang kukonsutahin muna ng Senado bago talakayin ang panukalang ipagpaliban ang Barangay at SK elections
Kukonsultahin muna ng Senado ang Malacanang bago talakayin ang panukalang maipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre.
Pero ayon kay Senador Sonny Angara, Chairman ng Senate Committee on Local Government, posibleng sa pagbabalik na ng sesyon sa July 24 matalakay ang isyu dahil kasalukuyang naka break ang Kongreso.
Sinabi ni Angara na hihilingin niya na magpatawag muna ng caucus ang Senado para magkaroon ng malinaw na desisyon hinggil dito lalo’t apat na buwan na lamang ay magsasagawa na ng halalan.
Suportado rin ni ni Senate Majority Leader Vicente Sotto ang pahayag ni Angara na nagsabing kailangang ikonsulta muna sa mga kapwa mambabatas kung papabor o hindi sa pagpapaliban ng halalan.
Si Sotto ang naghain ng Senate Bill 1469 na humihiling na maipagpaliban sa ikaapat na linggo ng October 2018 ang eleksyon na nakatakda na sa Oktubre ngayon taon.
Ulat ni: Mean Corvera