Malacañang, nagbabala na ipadedeport ang sinumang taga-International Criminal Court na magpupumilit mag-imbestiga sa bansa

Hindi papayagan ng Malakanyang na maghimasok sa bansa ang mga taga-International Criminal Court o ICC.

Nagbabala si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sakaling may dumating sa bansa na taga-ICC ay pagbabawalan ito na magsagawa ng anumang imbestigasyon patungkol sa umano’y kaso ng extrajudicial judicial killings at human right abuses.

Kung sakali mang magpumilit ang mga taga ICC sabi ni Panelo mapipilitan aniya ang gobyerno na ipa-deport ang mga ito.

Paliwanag ni  Panelo pangingialam  sa soberanya ng bansa ang gagawing imbestigasyon dahil pinaninindigan muli ng Malacanang na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas.

Iginiit ni Panelo gumagana naman daw ang proseso ng hustisya sa bansa at may mga korte dito na humahawak ng mga kaso ng mga pagpatay at paglabag sa karapatang pantao.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *