Malacañang, naghigpit sa halaga ng travel allowance at expenses na papayagan para sa mga taga-Gobyerno

Naglabas ang Malacañang ng isang executive order na magtatakda ng panuntunan, regulasyon, at maging papayagang gastos at allowance ng mga opisyal at kawani ng gobyerno sa kanilang byahe sa loob at labas ng bansa.

Sa ilalim ng Executive Order 77, kailangan aprubado ng Pangulo ang opisyal na mga  byahe sa ibang bansa ng mga kalihim, pinuno ng government owned ang controlled corporations o GOCCs, pati board members at pinuno ng national government agencies.

Alinsunod sa EO 77 pinapayagan naman ang business class na booking sa eroplano para sa mga byaheng apat na oras pataas ang haba.

Idinetalye rin ng EO ang papayagan lamang na halaga ng daily expenses, allowance, clothing allowance depende sa layo ng biyahe.

Binibigyang diin rin ng EO na bawal na ang travel junkets o ang pamamasyal sa ibang lugar gamit ang pondo ng gobyerno.

Bawal na rin magsagawa ng planning workshops at teambuilding sa labas ng bansa.

Inuutos rin ng EO na isang buwan matapos makarating sa bansa, kailangan magpasa ng report patungkol sa dinaluhang conference at seminar, kung naging bahagi naman ng international convention ay kailangan bigyan rin ng kopya ang Office of the President.

Ang kabiguang makapagpasa nito ay mahaharap sa disciplinary action ang mga concern na government officials.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *