Malacañang naglaan ng 1.4 bilyong piso na pondo para sa relief operations sa biktima ng bagyong Rosita

Naglaan ang malakanyang ng 1.4 bilyong pisong pondo na gagamitin para sa relief operations sa mga biktima ng bagyong Rosita.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang naturang pondo ay nasa kamay Departmemt of Social Welfare and Development o DSWD.

Ayon kay Panelo mahigpit ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na agad na iparating sa mga biktima ang kaukulang tulong o ayuda sa mga residenteng biktima ng kalamidad.

Inihayag ni Panelo na nakatutok si Pangulong Duterte at regular na tumatanggap ng update mula sa National Disaster Risk Reduction Management Council, Office of the Civil Defense at PAGASA hinggil sa pagkilo at pananalasa ng bagyong rosita sa Northern Luzon.

Kaugnay nito umapela ang malakanyang sa mga residenteng apektado ng bagyo na tumalima sa mga abiso na inilalabas ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para mabawasan ang pinsalang dulot ng kalamidad sa buhay at kabuhayan.


Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *