Malacañang naglaan ng 500 milyong piso para sa Indemnification Law na hinihingi ng Covax facility ng WHO
Aabot sa 500 milyong piso ang inilaan ng Malakanyang para sa Indemnification Law na hinihingi ng Covax Facility ng World Health Orgaization o WHO.
Sinabi ni National Task Force Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na ipinarating na ng pamahalaan sa Covax Facility ang paglaan ng pondo ng Indemnification Law para sa mga makakaranas ng adverse o side effect ng anti COVID 19 vaccine.
Ayon kay Galvez inaapura na ng dalawang kapulungan ng kongreso ang pagpapatibay sa Indemnification Law para madala na sa bansa ang anti COVID 19 vaccine na manggagaling sa Covax Facility ng WHO.
Inihayag ni Galvez na ang kawalan Indemnification Law ang dahilan kaya nabalam ang pagdating sa bansa ng 117,000 doses ng Pfizer Biontech anti COVID 19 vaccine.
Umaasa si Galvez sa sandaling mapagtibay na ang Indemnification Law na hinihingi ng Covax Facility ng WHO ay matutuloy narin ang delivery ng anti COVID 19 vaccine bago matapos ang buwan ng Pebrero.
Vic Somintac