Malacañang nakiusap sa Senado na ipasa ang budget bago matapos ang 2019
Nakiusap na ang Malacañang sa Senado na paspasan ang pagtalakay sa panukalang 2019 budget para mapagtibay bago matapos ang taon.
Personal na nagtungo kanina sa Senado si Budget secretary Benjamin Diokno para iparating ang pakiusap ng Malacañang.
Katwiran ni Diokno, maraming proyekto ng gobyerno na aabot sa isang trilyong piso ang maiipit dahil sa delay ng implementasyon ng budget.
Bagamat pinapayagan aniya sa Saligang Batas ang re-enacted budget, maaring maapektuhan pa rin ang mga locally funded projects dahil sa election ban.
Sa kalakaran kasi aniya dapat nagsasagawa na ngayong ng mga pre-bidding para sa naturang mga proyekto para mai award naman pagasok ng Enero.
Pinasaringan naman ni Diokno ang mga mambabatas dahil sa mahabang bakasyon.
Maaari naman aniyang i-extend ang sesyon sa halip na sa December 12 para lamang matapos ang paghinay sa budget.
Iginiit ni Diokno na maiipot talaga ang budget kung susundin ang legislative calendars dahil magbabakasyon sila sa dec 12 at aabutin pa ng hanggang January 14 ang pagbabalik ng sesyon.
Ulat ni Meanne Corvera