Malacañang payag ng mag-imbestiga ang UN Special Rapporteur kaugnay ng anti drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte
Pahihintulutan na ng Malakanyang ang UN Special Rapporteur na imbestigahan ang mga umanoy paglabag sa karapatang pantao at sinasabing extra judicial killings na iniuugnay sa anti drug war ni Pangulong Rodirgo Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque maaaring maginbestiga ang UN Special Rapporteur sa isyu ng war on drigs ng Duterte administration pero hindi si Agnes Callamard ang dapat na ipadala sa Pilipinas.
Ayon kay Roque sira ang kridibilidad ni Callamard dahil nagkaroon na siya ng pre-judgement sa anti drug war ng Pangulo na ibinatay sa hindi beripikadong data at inpormasyon.
Inihayag ni Roque ang pangunahing kuwalipikasyon ng UN Special Rapporteur ay mapagkakatiwalaan at walang kinikilingan.
Niliwanag ni Roque na kailangan ang consent ng gobyerno bago opisyal na makapasok ang UN Special Rapporteur na magsasagawa ng inbestigasyon.
Iginiit ni Roque dahil sa pagiging bias ni Callamard ang pangunahing dahilan kaya hindi nagbibigay ng consent ang pamahalaang Pilipinas.
Ulat ni Vic Somintac