Malacañang tinawag na black propaganda ang mga paratang ni “Bikoy.”
Nagbanta ang Malakanyang na mayroong bomba na pasasabugin para tuluyang mawasak ang pagkatao at kridibilidad ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy at ang grupong gumagamit sa kanya.
Sa briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Spokesman Salavador Panelo na sa umpisa pa lamang ay wasak na ang kridibilidad ni Bikoy.
Ayon kay Panelo bagsak ang kridibilidad ni Bikoy dahil sablay ang sinasabi nitong may tattoo na dragon sa likod si dating Special Assistant to the Preaident Bong Go na simbolo ng pagiging konektado sa international drug syndicate.
Inihayag ni Panelo na itinanggi din ng bangko sa Albay na sinasabi ni Bikoy ganun din sikat na resort na binanggit nito sa kanyang statement sa kanyang press conference sa tanggapan ng Integrated Bar of the Philippines o IBP.
Niliwanag ni Panelo na mayroong mga detalye na hinihintay ang Malakanyang sa inbestigasyon ng Philippine National Police sa totoong katauhan ni Bikoy at grupong nasa kanyang likod at maituturing itong bomshell na wawasak sa planong pagpapabagsak sa administrasyon.

Nanindigan si Panelo na black propaganda ng mga kalaban ng Pangulo ang isyu kay Bikoy.