Malacañang, umaasa na mas maraming paaralan ang magbubukas sa mga lugar na nasa ilalim na ng Alert Level 2
Umaasa ang Malacañang na mas maraming paaralan na ang magbubukas para sa limited face-to-face (F2F) classes, sa ilalim ng Alert Level 2.
Simula kahapon, Pebrero 1 hanggamg Pebrero 15, ang Metro Manila, Batanes, Bulacan, Cavite, Rizal, Biliran, Southern Leyte, at Basilan ay isinailalim na sa Alert Level 2.
Ayon kay acting presidential spokesperson Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles . . . “So, now na there are several provinces, including NCR, that is already on Alert Level 2, then we hope to be able to see a more, you know, an expansion on the number of schools, public schools that already can do the face-to-face classes upon the assessment of Department of Education (DepEd) pati ng Department of Health (DOH).”
Maaari na rin aniyang magbukas ng in-person classes ang mga pribadong eskuwelahan.
Wika ni Nograles . . . “That being said, ‘yung mga private schools na gusto na rin magsimula ng face-to-face classes, especially in the Alert Level 2 areas, can now begin making their representations with the Department of Education para mabigyan din sila ng pahintulot ng DepEd na mag-face-to-face classes na rin sila.”
Una nang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawak sa physical classes sa mga lugar na nasa ilalim na ng Alert Level 1 at 2.
Nobyembre 15 ng nakalipas na taon nang simulan ng DepEd ang in-person classes na natapos noong December 22, 2021.