Malacañang umaasang malalagdaan ni PRRD ang P4.5-T 2021 Proposed Nat’l Budget bago ang holiday season break
Tiwala ang Malakanyang na malalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang National Budget na nagkakahalaga ng 4.5 trilyong piso bago ang holiday season break.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na umusad na sa bicameral conference committee ang deliberasyon ng national budget.
Ayon kay Roque sa sandaling maayos sa bicameral conference committee ang hindi pagkakasundo ng senado at mababang kapulungan ng kongreso sa bersiyon ng national budget agad itong pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Inihayag ni Roque nangako naman ang liderato ng senado at mababang kapulungan na tatapusin ang anumang problema sa national budget kaya tiyak na malalagdaan ito ng Pangulo bago ang holiday season break.
Niliwanag ni Roque na napakahalaga na mapagtibay ang national budget dahil hindi makakabuti sa bansa kung gagamit ng re-enacted budget dahil kailangang tugunan ng pamahalaan ang problema sa pandemya ng COVID 19 at rehabilitasyon ng mga lugar na pininsala ng magkakasunod na bagyo.
Vic Somintac