Malacañang umapela sa publiko na iwasan ang pagpapakalat sa social media ng fake news tungkol sa lindol
Nanawagan ngayon ang Malakanyang sa publiko na huwag magpakalat ng maling inpormasyon sa social media hinggil sa lindol.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi ito ang panahon para lituhin ang publiko partikular ang mga tinamaan ng malakas na paglindol.
Ayon kay Panelo dapat sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan lamang kumuha ng inpormasyon tungkol sa lindol sa pamamagitan ng Philippine Institute of Volcanology and Siesmology o PHIVOLCS at National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC.
Ayon kay Panelo kumilos na ang lahat ng kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para tugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng lindol sa lalawigan ng Pampanga na nakapagtala ng mga matinding pinsala sa buhay at ari-arian.
“We ask the public to remain calm but vigilant and we urge them to refrain from spreading disinformation in social media that may cause undue alarm, panic and stress to many people.
We call upon our citizen’s innate Bayanihan spirit and request their cooperation, patience and understanding in this time of need.”
Ulat ni Vic Somintac