Malagim na landslide sa Itogon, Benguet, pinaiimbestigahan ni Pangulong Duterte kung may kinalaman sa illegal mining

Nais malaman ni Pangulong Rodrigo Duterte kung may kinalaman sa illegal Mining operation ang naganap na malagim na landslide sa Barangay Ucab, Itogon, Benguet sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ompong.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na pipilitin ni Pangulong Duterte na marating ang pinangyarihan ng landslide na nagdulot ng kamatayan ng maraming minero.

Ayon kay Roque, nais malaman ng Pangulo kung mayroong malaking kumpanya ang nasa likod ng small scale mining operation sa Benguet.

Inihayag ni Roque, personal na magtutungo si Pangulong Duterte sa lalawigan ng Benguet para personal na makiramay sa pamilya ng mga minero na biktima ng landslide.

Ppatuloy pa rin ang isinasagawang search and retrieval operation sa mga biktima ng landslide na nananatiling missing hanggang sa kasalukuyan.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *