Malakanyang naglabas ng bagong kautusan para sa mga on site workers sa mga tanggapan ng gobyerno sa ilalim ng umiiral na alert level system
Naglabas ang Malakanyang ng bagong memorandum circular para sa on site workforce o bilang ng mga kawani ng gobyerno na kailangang pumasok sa trabaho sa ilalim ng alert level system.
Ito ay para matiyak na magiging fully operational pa rin ang ibat-ibang tanggapan ng pamahalaan kahit anong alert level system ang umiiral.
Sa ilalim ng memorandum circular number 93 na pinirmahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea itinataas sa 80% ang onsite workforce sa ilalim ng alert level 2, 60% sa alert level 3 at 40% sa alert level 4.
Sa alert level 5 naman ay pinapayagan lamang ang skeleton workforce on site at ang natitirang mga kawani ay sa ilalim ng alternative work arrangements na aprubado ng head of agency maliban na lamang kung kinakailangan ng mas mataas na on-site capacity lalo na sa mga ahensiyang nagbibigay ng health at emergency frontline services, laboratory and testing services, border control, o iba pang kritikal na serbisyo alinsunod sa patakaran at regulasyon na inisyu ng civil service commission.
Nakasaad din sa memorandum circular na ang lahat ng pinuno ng ahensiya ng pamahalaan sa sangay ng ehekutibo kabilang na ang mga Government Owned and Controlled Corporation o GOCC ay pwedeng magdagdag ng onsite workers.
Vic Somintac