Malakanyang at AFP isusulong ang National ID System bilang bahagi sa pag-amiyenda sa Human Security Act

Inamin ng Malakanyang at Armed Forces of the Philippines na kasama ang pagpapatupad ng National Identification sa pagsusulong ng pag-amyenda sa Human Security Act.

Sinabi ni AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla sa regular na Mindanao hour sa Malakanyang na mas madaling malabanan ang anumang uri ng krimen partikular ang terorismo kung mayroong National ID ang bawat mamamayan.

Ayon kay Padilla madali ring masasala ang mga dayuhang pumapasok sa bansa na may masamang layunin dahil wala silang National ID.

Inihayag ni Padilla na maging eye opener ang Marawi siege kung saan maraming mga dayuhang terorista ang nakapasok sa bansa na kasama ngayon ng teroristang Maite group ang nakikipagbakbakan sa militar.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *