Malakanyang at AFP naglabas ng babala sa publiko laban sa mga ilegal na lumilikom ng pondo para sa mga bitima ng Marawi siege

Binalaan ng Malakanyang at Armed Forces of the Philippines ang publiko laban sa pagdami ng scammers na lumilikom  ng mga perang donasyon para sa mga sugatan at nasawing sundalo, at mga sibilyan na apektado ng krisis sa Marawi City.

Sa regular na Mindanao hour sa Malakanyang sinabi ni AFP Spokesperson Restituto Padilla na may natanggap silang mga reklamo at sumbong ukol sa mga humihingi ng donasyon.

Inihalimbawa ni Padilla ang mga nagpapadala ng mensahe kung saan kapalit ng donasyon ay tanghalian o hapunan.

Paglilinaw ni Padilla, may mga lehitimong bank accounts ang gobyerno kung saan maaaring magdeposito ng ayudang-pinansyal.

Ito ay ang Land Bank of the Philippines account 00000552107136, para sa internally displaced persons o IDP’s, habang 00000552107128 o AFP Marawi casualty.

Payo ni Padilla sa mga mamamayan, huwag basta-bastang kakagat sa mga nagsasamantalang scammer.

Pwede rin aniyang ipaalam sa mga otoridad ang mga numero ng scammers upang maisuplong sa National Telecommunications Commission  at mai-block ang mga ito.

               

Ulat ni: Vic Somintac             

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *