Malakanyang ayaw pang kumpirmahin ang appointment ni Justice Diosdado Peralta bilang bagong Chief Justice
Hintayin na lamang ang official announcement ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bagong Chief Justice ng Korte Suprema.
Ito ang sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo matapos kumalat sa social media at online news ang appointment ni Justice Diosddado Peralta bilang bagong Chief Justice kapalit ng magreretirong si Chief Justice Lucas Bersamin.
Ayon kay Panelo hindi pa inilalabas ng Office of the President ang sinasabing appointment ni Justice Peralta na pirmado ng Pangulo.
Ngayong araw ang retirement ni Chief Justice Bersamin sa Korte Suprema.
Tatlong pangalan ang isinumite ng Judicial and Bar Council (JBC) kay Pangulong Duterte para pagpilian sa magiging Chief Justice na kinabibilangan nina Justices Diosdado Peralta, Estela Perlas Bernabe at Andres Reyes Jr.
Ulat ni Vic Somintac