Malakanyang binawi ang pahayag na galing sa wiretapped infromation ng ibang bansa ang ilang inpormasyon sa mga pulitikong nasa Narcolist ng DILG at PDEA
Biglang kambiyo ngayon ang Malakanyang sa naunang pahayag na nagsabing galing sa mga kaalyadong bansa ang mga impormasyon na pinagbasehan ng narcolist o listahan ng mga pangalan ng mga politiko at kandidatong sangkot sa iligal na droga.
Sa press briefing sa Malakanyang nilinaw ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang mga bansang tulad ng Amerika, Russia at China ang magagaling at may expertise sa mga wiretapping activities pero hindi sa kanila galing ang inpormasyon hinggil sa mga pulitikong nasa narcolist ng Department of Interior and Local Government o DILG at Philippine Drug Enfrocement Agency o PDEA.
Ayon kay Panelo ang sinasabi lang niya ay base sa lohika at educated guess sa mga nangyayari ngayon sa mundo na nagkakaroon ng information sharing lalo na ang isyu sa paglaban sa terorismo at ilegal na droga.
Ang pagbawi ni Panelo sa kaniyang nauna mga pahayag ay matapos siyang umani ng pagnatikos mula sa ilang senador at iba pang mga sector na naninindigan na iligal dito sa Pilipinas ang wiretapping kasabay ng pagkwestyon kung polisiya na ba ngayon ng gobyerno ng na panghimasukan ang privacy ng mga mamamayan.
Ulat ni Vic Somintac