Malakanyang bumuo ng Technical working group para paghandaan ang pagbili ng bakuna kontra Covid-19
Buo na ang Technical Working Group o TWG para sa gagawing pag- angkat ng pamahalan ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Science and Technology Secretary Fortunato dela Pena ang Procurement service ng Department of Budget and Managent (DBM) ang mangunguna sa TWG sa gagawing pagpopondo ng gobyerno para sa pagbili ng Covid-19 vaccine.
Sinabi ni dela Peña magsisilbing miyembro ng Technical Working Group ang Department of Health, Department of Finance, Department of Foreign Affairs, Philippine International Trading Corporation, Department of Trade and Industry, National Economic Development Authority at Department of Interior and Local Government.
Batay sa naunang report nasa dalawa punto apat na bilyong piso ang inisyal na ilalaan ng pamahalaan na budget para sa Covid-19 vaccine.
Inaabangan ng Pilipinas kung aling bansa ang unang makapagbibenta ng bakuna laban sa covid 19 dahil nag-uunahan dito ang Russia, China, Amerika at Australia.
Vic Somintac