Malakanyang: Comelec at mga mambabatas, bahala na sa panukalang paggamit ng mail voting sa bansa
Walang nakikitang problema ang Malakanyang sa isinusulong na paggamit ng mail voting bilang bahagi ng absentee voting system sa bansa sa 2022 elections.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na bahala ang Commission on Elections o COMELEC at mga mambabatas ng dalawang kapulungan ng kongreso na pag-aralan ang panukalang mail voting tulad ng ginawa sa Amerika dahil sa pandemya ng COVID 19.
Ayon kay Roque mismong si COMELEC Commissioner Rowena Guanzon ang nagsusulong ng mail voting sa bansa.
Inihayag ni Roque alam ng COMELEC kung ano ang dapat gawin kasama ang mga mambabatas kung kailangang amyendahan ang Omnibus Election Code upang mapalakas ang absentee voting para mabigyan ng pagkakataon na makaboto ng maayos ang mga senior citizens, persons with disablities kahit may COVID 19 pandemic.
Vic Somintac