Malakanyang, dumistansya sa muling pagkuha ng Comelec sa Smartmatic para sa 2019 elections
Hands-off ang Malakanyang sa muling pagkuha ng Commission on Elections o Comelec sa serbisyo ng Smartmatic para sa 2019 elections.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, isang independent body ang Comelec kaya kung anuman ang kanilang desisyon ay labas ang Malakanyang.
Ayon kay Roque, ang magagawa ng mga tutol sa pagkuha muli ng comelec sa smartmatic ay tumakbo sa Korte Suprema.
Batay sa report, mismong si Presidential political adviser Francis Tolentino ang nagbunyag na maituturing na midnight deal ang ginawa ng comelec dahil pinirmahan ni dating Comelec OIC Christian Robert Lim ang kontrata sa Smartmatic, tatlong linggo bago siya magretiro.
Sa ngayon, kinukuwestyon ang kredibilidad ng smartmatic dahil sa isyu ng umano’y dayaan sa mga nakalipas na halalan sa bansa.
Ulat ni Vic Somintac
=== end ===